WALANG MALISYA
ako po ay magtatagalog ngayon. wala lang, trip lang ng aking naiinis na kalooban.
wala lang! ganun ka-simple.
naiinis ako at nilalagyan ng malisya ng isang tao ang aking mga sinabi.
nakakabadtrip. nakakasira ng gabi. mag-aaral pa naman sana ako, gaya ng ginawa ko kaninang hapon sa silid-aralan ng aming bulwagan.
nakatanggap kasi kami ng e-mail mula sa JCRC ng aming hall na nagsasabing pwede kaming magtambak ng gamit sa isang silid para sa nalalapit na bakasyon. ang lagay kasi nito, namomroblema ang marami sa amin sapagkat hindi namin malaman kung saan pwede panandaliang ilagay ang mga gamit sa bakasyon bago umuwi sa aming sariling bansa. hindi naman praktikal na iuwi lahat ng gamit, hindi ba?
ayun, nakasaad sa e-mail na dalawang lalagyan lamang ang ilalaan para sa isang tao, at lubhang kukulangin pa rin iyon para sa akin. minensahe ko si * sa msn upang itanong kung pwede bang irehistro sa kanyang pangalan ang natitira ko pang gamit. tutal, di naman daw nya gagamitin iyong inaalok sa silid-tambakan (haha, tama ba?) dahil makikihati na lamang siya sa kwarto ng aming mga kapwa pinoy na mananatili sa KE7 Hall sa malaking bahagi ng bakasyon.
noong minensahe ko sya, sinabi nyang nagbago ang kanyang isip, at magtatambak na diumano sya sa inaalok na silid (na mas malapit sa kanyang lilipatan na kwarto sa susunod na semestre) nang hindi gaanong mapuno ang silid ng aming mga pinoy seniors na mananatili dito.
...
j: "ok! mas malapit pa"
*: "iyan, you're trying to get credit na naman"
j: "ha? di ko gets"
*: "...saka mas malapit pa..."
j: "anong trying to get credit dun?!"
*: "siyempre kailangan yung mga decisions ko affected by what you said kanina"
j: "sinasabi ko lng ung perks ng pagstore mo sa f lounge"
*: "sabi mo eh. sige."
j: "di ko naman gustong iinfluence ung decision mo.
haaay naku, sige."
*: "hindi ko sinabi iyon eh na gusto mo pero you always try to connect things na parang you influence all people"
j: "what da fart?!"
*: "tama na"
j: "iblog mo nlng.
save mo log ng conversation na to. ianalyse mong mabuti. analyse ko rin. gudnyt."
iyan, you're trying to get credit na naman.
...you always try to connect things na parang you influence all people.
ewan ko ba, pero sobrang nainis ako sa nasabi nyang iyan.
marahil mababaw na siguro ako, pero pucha, ano bang masama sa sinabi ko?
naiinis ako pag binabahiran ng kung anong kahulugan ang mga sinasabi ko.
oo nga't minsan ay may mas malalim na ibig iparating ng aking mga sinasabi, pero mas madalas naman na kapag may nagsalita ako, iyon at IYON na talaga ang aking ibig sabihin.
lagyan pa ba ng malisya?!
sa tingin ko naman ay hindi pa naman ako ganoon ka kulang-sa-pansin at naghahanap ng credit lagi ano? at lalong lalo namang hindi ko "kinokonek ang mga bagay-bagay para impluwensyahin ang lahat ng tao."
marahil ay wala na ito bukas makalawa, pero sa sandaling ito, ako ay talagang naiirita.
makapag-aral na nga. buti na lang at survivor mamaya. tiyak mawawala 'to.
bow.